Biyernes, Disyembre 28, 2012

Merry Christmas @ HOME SWEET HOME



                It is our 2nd time to celebrate Christmas Eve at our own house. Normally nasa Bulacan kami with my in-laws but now masyadong mahal ang gasoline and toll fee going to North, we decided to stay na lang here.

                December 22 – Christmas party ng planta, but still we need to report from work until 5pm. By 6pm, party party na! The best part of the program is when kids participated at every games and dance prepared by the clowns. Ang ko-kyot! Ang gagaling sumayaw pa. At 9pm, we left already kasi si yaya ay uuwe pa ng probinsya. 
 
                 December 23 – Wala si Mister at yaya, ako muna ang duty. I cooked java rice, fried eggplant and hotcake for breakfast and menudo naman sa lunch. 
              Since madami ang menudo kaya umabot pa ng dinner, save energy and money di ba? I also do the laundry. Grabe ang hirap ng handwash ha, ang sakit sa kamay at likod. Sira kasi ang washing machine at walang balak bumili, he he he…

                                Afternoon, Mister and I decided to go to Enchanted Kingdom with kids. Kaloka ang ganda pala and ang mahal din ng entrance! Php 600.00 ang ride all you can while Php 150.00 naman if entrance lang with unli rides to 3 kiddie ride. We avail the Php 150/head and pwede naman daw sa loob na lang mag bayad . Nag Horror House kami with additional Php 100/head. Grabe ang tilian at closed eyes talaga ako habang nag lalakad sa loob while yakap yakap ko yung 2 junakis ko na halos maiyak na sa takot. Si Mister ay nakikipag apir pa sa mga zombies! Pero exciting at nagustuhan din naman after. Then nag Karting ang mag ama. Php 470.00-2 seater at 10 minutes. Madami rin kaming games na sinalihan dahil dito naubos ang kaperahan ni Mister he he he. Me mga nauwe naman kaming toys at ilang anik anik na nabili sa EK. 
                December 24 – Linis, linis, linis…walang katapusang pag lilinis while si Mister ay nakatoka sa kusina. At ang menu mamayang Noche Buena ay ang mga sumusunod: Ginataang sugpo, Crispy pata at walang kamatayang Spagetti na lumalabas na sa butas ng mga face namin.
credits goes to the owner...thanks po, di  ko lang ma recall who you...again thanks
                                 8pm we went to hear the Mass with kumpare/kumares family. Masaya kasi pati si Father the Priest ay kwela rin. Pag uwe super excited ang kiddos ko to open their gifts. 

Eldest daughter - a tablet from Sun (Huwat! grabe, ganito ba ang malapit ng magdalagang mag request?)
apply sa Sun para me Free Phone he he he
Only son - action figure (Spiderman and Lizard)
Youngest daughter à doctor and lutu lutuan set (pinaka mura sa lahat, buti na lang yan ang wish nya, swak sa budget)
                December 25 - aba, aba ang daming namamaskong kids! Teka bakit me mga nanay at baby pang karga? Buti na lang me naipon akong Php 5.00 coins at napaka KJ ko naman kung di ko sila bibigyan di ba..It’s Christmas naman…
credits to the owner...thanks po
               By 12nn, naiinip na kami sa house at malapit ng maubos ang coins kaya gora kami sa Bulacan to bring some gifts for the kids and oldies there. By 8pm we left Bulacan at nagpaiwan na ang youngest daughter ko duon. Mami miss ka naming chichay!

                December 26 - di nag report si Mudra! Kaya nag leave na lang ako para me makasama ang kiddos ko sa house. Laba, linis, sleep konti, tiklop, plantsa, luto…haaaay ganito pala ang isang ulirang ina, ang sarap din ha, na enjoy ko, promise…

                So that’s it for now, detailed ang mga pangyayari sa bawat araw he he he…parang incident report lang to, ano? Wala bang kilos na hindi ka gagastos? Haaay ok lang naman, bonding moment na rin namin to…and that moment is PRICELESS…

Dear Jesus, Happy Birthday po…

Mering meri ang Christmas ng lahat!

Huwebes, Disyembre 27, 2012

Old and New Diary



Hello everyone! 

Dito sa office hindi pwedeng wala akong Planner Diary dahil sa tindi ng trabaho at dami ng communications na dapat ma transfer sa kinauukulan kaya hindi pwedeng wala ako nyan or else mawiwindang ang kamunduhan ng magandang dyosang katulad ko, ha ha ha…

Nagsimula akong gumamit nito nung panahon pa ng kopong kopong… Ay hindi naman pala, uso na nuon ang beeper at cellphone na parang kudkuran ng yelo sa laki. Me mga electronic notepad na rin nuon na madalas makikita mo sa mga med.rep. (tama nga ba tawag dun, electronic notepad? Di kasi ako nagkaron ng ganun eh). 

Sa ibaba ang aking collection ng diary magmula pa nuon taong 2005 pa. Actually year 1999 meron na akong sulatan kaya lang jologs pa ako nun at feeling ko sayang ang pera kung bibili pa ako ng ganitong planner kaya ang gamit ko nuon ay Logbook pa. At hindi ko na syang pinag aksayahang i-collect dahil mag mumukha akong lady guard na me logbook. 
 
Magmula nuon 2005 ay nakayanan ko ng bumili ng ganito, he he he at tuwang tuwa naman ako pag me nag bibigay sa akin nito.  Mas na appreciate ko pa ito as a gift sakin plus yung mga ballpen, eraser at mga memo pad dahil nagagamit ko ito ng me kabuluhan sa opisina. O kitam, napakatipid akong regaluhan, kahit nga naka bookbind at meron pang picture ng tumatakbong konsehal ay ayos na ayos na sakin. 

Eto naman ang Year 2012 Diary ko na punong puno ng napakaganda kong sulat kamay at drawing. 
Mami miss kita…waaah!

At dahil merong mabait at nakakaintinding tao, eto naman ang niregalo nya sakin. 
Ang ganda ng kulay di ba? 

Tamang tama nakaka relax ang kulay na berde kaya pag stress na stress na ako ay siguradong makikita nyo akong hawak hawak ko yan at tinititigan ng ganito…
Teka parang nakasubsob naman ata ang fezz ko…take two ulet….
Ayan, naka angat na sa fezzzzz….zzzzzzzzzzz…zzzzzzzzzz…

So mga kababayan ko, i-welcome natin ang bago kong 2013 Planner Diary!

Yahooooo !


Exclusive Forkeeps


 

Miyerkules, Disyembre 12, 2012

Early Christmas Gift from…



Hubby

                Esprit maong jacket. Cool and chick. But I’m still wondering san kaya nya to binili? Though smells bago naman and with etiketa naman he he he. Love it!


Officemate (Maris)

                Yes, atlast! Thanks my friend for giving me this cute and adorable necklace.


Friend (Ariel)

                How sweet naman friend, my all time favorite. Calories watch out!


Hubby's Friend (girl sya, ehem...)
            

                He handed me this cute wallet from Mindanao where his classmate, a girl, went there last month. Ehem, ehem…thanks anyway…but still, ehem ehem…


 
Mercury Drug Store

                Not sure if I will consider this as a gift he he he parang give away lang kasi. Pero sige gift na kung gift. Atleast di na ako bibili ng notebook, tipid kung tipid, di ba? 

But guys, it's not the gift that is important...it's the thought that counts ika nga nila plus the presence of the person you loved and most especially the LOVE we need...

o sya, tama na muna at baka pagsabihan na naman akong me pinag huhugutan ha ha ha...

Happy December Every One!

I love you...



Exclusive Forkeeps