Hello everyone!
Dito sa office hindi pwedeng wala
akong Planner Diary dahil sa tindi ng trabaho at dami ng communications na
dapat ma transfer sa kinauukulan kaya hindi pwedeng wala ako nyan or else
mawiwindang ang kamunduhan ng magandang dyosang katulad ko, ha ha ha…
Nagsimula akong gumamit nito nung
panahon pa ng kopong kopong… Ay hindi naman pala, uso na nuon ang beeper at
cellphone na parang kudkuran ng yelo sa laki. Me mga electronic notepad na rin
nuon na madalas makikita mo sa mga med.rep. (tama nga ba tawag dun, electronic
notepad? Di kasi ako nagkaron ng ganun eh).
Sa ibaba ang aking collection ng
diary magmula pa nuon taong 2005 pa. Actually year 1999 meron na akong sulatan
kaya lang jologs pa ako nun at feeling ko sayang ang pera kung bibili pa ako ng
ganitong planner kaya ang gamit ko nuon ay Logbook pa. At hindi ko na syang
pinag aksayahang i-collect dahil mag mumukha akong lady guard na me logbook.
Magmula nuon 2005 ay nakayanan ko
ng bumili ng ganito, he he he at tuwang tuwa naman ako pag me nag bibigay sa
akin nito. Mas na appreciate ko pa ito
as a gift sakin plus yung mga ballpen, eraser at mga memo pad dahil
nagagamit ko ito ng me kabuluhan sa opisina. O kitam, napakatipid akong regaluhan,
kahit nga naka bookbind at meron pang picture ng tumatakbong konsehal ay ayos
na ayos na sakin.
Eto naman ang Year 2012 Diary ko
na punong puno ng napakaganda kong sulat kamay at drawing.
Mami miss kita…waaah!
At dahil merong mabait at
nakakaintinding tao, eto naman ang niregalo nya sakin.
Ang ganda ng kulay di
ba?
Tamang tama nakaka relax ang kulay na berde kaya pag stress na stress na
ako ay siguradong makikita nyo akong hawak hawak ko yan at tinititigan ng
ganito…
Teka parang nakasubsob naman ata
ang fezz ko…take two ulet….
Ayan, naka angat na sa fezzzzz….zzzzzzzzzzz…zzzzzzzzzz…
So mga kababayan ko, i-welcome
natin ang bago kong 2013 Planner Diary!
Yahooooo !
Exclusive Forkeeps
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento