It is our 2nd time to celebrate
Christmas Eve at our own house. Normally nasa Bulacan kami with my in-laws but
now masyadong mahal ang gasoline and toll fee going to North, we decided to
stay na lang here.
December
22 – Christmas party ng planta, but still we need to report from work until
5pm. By 6pm, party party na! The best part of the program is when kids
participated at every games and dance prepared by the clowns. Ang ko-kyot! Ang
gagaling sumayaw pa. At 9pm, we left already kasi si yaya ay uuwe pa ng
probinsya.
December
23 – Wala si Mister at yaya, ako muna ang duty. I cooked java rice, fried
eggplant and hotcake for breakfast and menudo naman sa lunch.
Since madami ang
menudo kaya umabot pa ng dinner, save energy and money di ba? I also do the
laundry. Grabe ang hirap ng handwash ha, ang sakit sa kamay at likod. Sira kasi
ang washing machine at walang balak bumili, he he he…
Afternoon,
Mister and I decided to go to Enchanted Kingdom with kids. Kaloka ang ganda
pala and ang mahal din ng entrance! Php 600.00 ang ride all you can while Php
150.00 naman if entrance lang with unli rides to 3 kiddie ride. We avail the
Php 150/head and pwede naman daw sa loob na lang mag bayad . Nag Horror House
kami with additional Php 100/head. Grabe ang tilian at closed eyes talaga ako
habang nag lalakad sa loob while yakap yakap ko yung 2 junakis ko na halos maiyak
na sa takot. Si Mister ay nakikipag apir pa sa mga zombies! Pero exciting at
nagustuhan din naman after. Then nag Karting ang mag ama. Php 470.00-2 seater
at 10 minutes. Madami rin kaming games na sinalihan dahil dito naubos ang
kaperahan ni Mister he he he. Me mga nauwe naman kaming toys at ilang anik anik
na nabili sa EK.
December
24 – Linis, linis, linis…walang katapusang pag lilinis while si Mister ay
nakatoka sa kusina. At ang menu mamayang Noche Buena ay ang mga sumusunod:
Ginataang sugpo, Crispy pata at walang kamatayang Spagetti na lumalabas na sa
butas ng mga face namin.
credits goes to the owner...thanks po, di ko lang ma recall who you...again thanks |
8pm
we went to hear the Mass with kumpare/kumares family. Masaya kasi pati si
Father the Priest ay kwela rin. Pag uwe super excited ang kiddos ko to open
their gifts.
Eldest daughter - a tablet from Sun (Huwat! grabe, ganito ba ang malapit
ng magdalagang mag request?)
apply sa Sun para me Free Phone he he he |
Only son - action figure (Spiderman and Lizard)
Youngest daughter à doctor and lutu lutuan
set (pinaka mura sa lahat, buti
na lang yan ang wish nya, swak sa budget)
December
25 - aba, aba ang daming
namamaskong kids! Teka bakit me mga nanay at baby pang karga? Buti na lang me
naipon akong Php 5.00 coins at napaka KJ ko naman kung di ko sila bibigyan di ba..It’s Christmas naman…
credits to the owner...thanks po |
By 12nn, naiinip na kami sa house at malapit ng maubos
ang coins kaya gora kami sa Bulacan to bring some gifts for the kids and oldies
there. By 8pm we left Bulacan at nagpaiwan na ang youngest daughter ko duon.
Mami miss ka naming chichay!
December
26 - di nag report si
Mudra! Kaya nag leave na lang ako para me makasama ang kiddos ko sa house.
Laba, linis, sleep konti, tiklop, plantsa, luto…haaaay ganito pala ang isang
ulirang ina, ang sarap din ha, na enjoy ko, promise…
So
that’s it for now, detailed ang mga pangyayari sa bawat araw he he he…parang
incident report lang to, ano? Wala bang kilos na hindi ka gagastos? Haaay ok
lang naman, bonding moment na rin namin to…and that moment is PRICELESS…
Dear Jesus, Happy Birthday po…
Mering meri ang Christmas ng
lahat!