Miyerkules, Enero 30, 2013

Food Trip: Kamote and Saging



It’s nice to have a chit chat with house helper sometimes, ay mali! dapat hindi lang sometimes ang chikahan dapat everyday din. We usually talked about life, husband, kids, places and food…Madami rin akong nadi discover na food na niluluto nila sa province which is new to us. Pero di pa naming tina try kasi baka di pumasa sa panglasa ng hari ng tahanan kaya kung hindi sinigang, menudo at adobo ang menu eh ginataan, adobong sitaw at pritong fish ang paulit ulit at nakakasawang ihain. 

Sige minsan explore ko yung menu ni inday, at kung di nila type…kami na lang ang lalafang.

Lemme share you what I have here with me today…

Ladies and gentlemen, let us all welcome the walang kamatayang food…

Pritong saging na saba dipped in  2nd wash sugar and Kamote!

Dyaaaaraaan!!!

Bakit eto?

First and foremost, its cheap!…2nd, rich in fiber and potassium, healthy sya…3rd, diet ako (since kanina lang)…4th, pang himagas lang, di naman everyday…5th, …5th?...wala na akong maisip eh. O sige para maiba naman lang.

Ayan…ayan ang aking breakfast, lunch and merienda today. Sabi nga ng matatanda ang taong di marunong kumain ng ganitong food hindi mabubuhay sa gyera, kasi sa bundok daw eto lang ang makakain nyo.
Hmmm, oo nga naman, kaso wala na rin namang bundok na matino ngayon he he he plus pag nagka gyera atomic bomb na ang pinapasabog and washed out lahat ng living things agad agad di ba?

Sabi ni inday masarap din daw yung saging na saba na matataba tapos papahiran ng salt before sya i-fry. Sige, sige next time gawin natin yun, wag muna this week medyo at parang nauumay na ako at baka magkaron pa ng third world war sa CR namin. 

Anyweeey, eto rin naman ang pinabaon ko kanina sa mga kids ko sa school, maiba naman. Tignan lang natin if kinain nga nila…malalaman ko mamya ke inday…

Abangan…


Exclusive Forkeeps

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento