Sabado, Pebrero 9, 2013

Broom! Broom!


We were at Bulacan I think two wees ago (I know, late post na to, mga tsong). When my sister in law moved in Malolos  last year, my in-laws also moved in there leaving their old but comfy house in Meycauayan to their youngest son and his family. So, kada uwe namin ng Bulacan we always headed to Malolos para maka bonding sa mga oldies.

But last last week, Saturday nga, we ended up in Meycauayan kasi fiesta ng Sto. Niño on Sunday. Duon kami nag sleep over with my in-laws. The house is a corner lot and spacious. You could park 3 cars inside, they have 4 bedrooms, 2 toilets and roomy sala.

Nakaka miss.

Kasi I also lived there for four years. Yes, ganun katagal bago kami ma transfer in Laguna because of our work.

And guess what? Nakapag drive na ako!

Wit! Wit!

Ganito ang nangyari…

First I asked my hubby the car key and told him that I will just transfer it to the other side of the street. Puno kasi ng magagandang car ang garage kaya yung samin ay nasa labas na lang he he he..okay lang naman yun.

Ayun, tinakas ko muna for a while. Saglit na saglit lang siguro naka 5 ikot din ako sa subdivision na ako lang ang sakay. At ang lolo mas tense na tense pa sakin, inabangan pa ako sa kabilang street. From there nakita naman nya na I know how to drive kaya nung afternoon and need mag dropby sa bakery he let me drive it from and to. Medyo malayo layo rin yun plus fiesta pa ang lugar. Daming pasaway talaga sa kalsada, mga taong ayaw tumabi na kala mo pag binangga di sila masasaktan at aanga anga pa , sidecars na kala mo nakikipag agawan ako sa pasahero nila, haaay.

Training steps daw yan….

Focus and Patience…

Pero kinakabahan din ako ha? Naglakas loob lang din ako or else din na ako papayagang mag drive nito. Actually when I was in high school marunong naman ako. Owner type jeep pa uso nun at yun ang naging training ground ko kaya kabisado ko naman. Manual pa yun.
ganito ang uso nung kapanahunan ko...

Yan, yan ang dapat kong pag aralang mabuti ngayon at dapat kumuha na rin ako ng student license para feel na feel ko na talaga.




Exclusive Forkeeps

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento