Huwebes, Marso 7, 2013

Alter Station...



Since I’m beginning to loose weight na and some of my clothes are getting baggy especially the waistline of my pants and shorts, I was thinking of getting it altered. First, my maong  pants, pinasikipan ko yung hips to legs nya sa tailor near our office. Hindi ko muna pinagalaw yung waistline kasi baka di nya ma keri. PIpitsuging tailor shop lang kasi siya at tama ako kasi what he did to my pants is pinadaan lang nya sa sewing machine yung each side of it!



Walang ka effort effort. Di man lang tinabasan ng mokong. Parang me palikpik tuloy yung inside ng pants ko, kainezz…ang sakit sa gilagid…



Good thing one maong lang yun.



So when my shorts turn na to alter, I happened to see this Alter Station inside SM. I looks neat and I believe di naman mabababoy yung shorts ko. 


I instructed them to less atleast 4” sa waistline. Kaya lang nag comment yung girlalu na baka di na daw kumasya sakin.



Ang bruha, feeling siguro niya ang fat fat ko, no!



Nope, I said bawasan mo yan, that’s it. No questions ask na or else uupakan na kita he he he..joke lang syempre concern lang naman yung tao sakin at baka di nga kumasya….Imbyerna pa rin ako, ha?



Two days lead time before ko siya makuha. Mukhang nahihirapan kung papanong adjustment gagawin ang tailor nila. Once you adjust it to your desired size, siempre lahat na gagalawin mo. From waist down to hips and down to the last part of the shorts. Ganun ka lalim ang gagawin nila.



At di nga ako nagkamali. Ang neat neat ng tahi! No traces of alterations, mga ‘tsong!



And it cost me only Php 250.00 for the two shorts. Pak na pak!



And kasya sakin, mga madir! Yan ang biggest achievement ko for now, nagkasya sila. Hindi nag mumura ang mga fats ko sa suot ko, he he he…



Kaya mga kababayan ko, kung medyo sensitive kayo sa pag aalter ng mga damit, try nyo na lang here sa Alter Station paminsan minsan.

Gora na!


Exclusive Forkeeps

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento