I left the house early today.
Siguro me 25 minutes pa before 7:30am wherein normally 7:15am talaga ako
umaalis. Very near lang naman yung company service na sinasabayan ko everyday
kaya I expect na maaga ako ng dating.
Anak ng tinapa! Si lolong ang
driver ng jeep.
My fault also kasi di ko na
tinignan at agad agad akong sumakay. Parang pagong sa bagal. Kulang na lang me
tugtog yung pag arangkada namin, echos! Anyweeys, tyaga tyaga na nga lang,
maaga pa naman. Yung 2 girlalu inip na inip na panay ang tingin sa relo.
thanks to google for this: Look at the dog, ganyang ganyan hitsura namin kanina sa jeep |
Anak ng teteng! Magpapakarga
pa sa gasoline station!
courtesy of google: correction Petron po ung gasoline station kanina, wala lang akong makita sa google eh, peram muna Shell ha? |
Ayan na, pati ako eh mukhang
mapapahamak pa sa kabagalan ni lolong. Yung 2 girlalu bumaba na at sumakay na
sa ibang jeep. Eto pa nakakainis, alam na nga nung gasoline boy na super bagal si
lolong parang sinasadya rin nyang bagalan ang pag transfer ng gasoline.
Ganun.
Sinita na rin sya nung katabi kong mama at sinabihang “ang bagal na nga ng jeep namin
tapos mabagal ka pa ring magkarga”, sumagot pa si gasoline boy “luma na po kasi
yung dispenser”. Ay kumag, naiinis rin ako, eh Petron kaya to, haler! kami pa
niloloko. Sumagot na rin ako na kesyo kako kino control nya yung daloy aba eh
nag pa cute pang sumagot na hindi daw with matching batting the eyelash.
Dyosme! Yung mama di nakatiis
at sinabing “o aasarin mo pa kami? Alam mo ng nag mamadali mga tao sa umaga”. Korek
ka dyan kuya. Di namin sinisita yung lolong the driver kasi alam naming matanda
na at understandable na yun, pero ang di
namin ma gets at ma keri eh yung kaepalan si gasoline boy! Sumagot na rin ako”
sige makakarating sa me ari pinag gagawa nyo” ayun parang natauhan ang mokong,
binilisan at hindi makatingin at di na rin sumagot. Ang bruho! Naaawa na nga ako
sa mga katulad nilang kakarampot ang sweldo at di nare regular sa work kaya
lang pag ganun nagiging asal eh mapapatulan mo na eh.
Ayun, gora na ulet kami. Usad
pagong ulet si lolong the driver. Atlast nakarating na rin kami.
Kawawa naman din si lolong,
siguro kung di lang din nya need ng kadatungan eh di na sya mag tyatyagang
mamasada. At yung ganyang situation eh naiintindihan naman namin kaya quiet
lang kami pag dating sa kanya.
Tsaka kung sino man mga anak
ni lolong, hoy dapat inaalagaan nyo sya at di na pinag wo work. Dapat nga nag
re relax na lang si lolong the driver, no! Ngayon pang napaka init ng weather,
kawawa naman.
Ke gasoline boy kami na
imbyerna, as in…grrrrrrrrrrr.
O sya, yun lang, imbyerna mode
kanina..at yan ang title ko today…
Exclusive Forkeeps
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento