Biyernes, Enero 18, 2013

Her Fave Songs...


At age 10 mostly sa mga kids ay mahilig na sa music lalo na yung mga songs by boy band, Korean pop star or kung sino mang sumisikat na singer either puti or local artist. Maririnig mo lagi sa radio ang mga musics nila. At mapapa nganga ka na lang dahil maririnig mo na kinakanta ito ng kabataan at a very young age, di ba? Kahit mapa rap pa yan, memorize na nila. Kahit pang jologs pa ang kanta, aysus ang galing ng kabataan ngayon, sauladong saulado...

Pero kakaiba itong junakis kong panganay...


Mahilig siya sa Praise songs...at ako naman ay natutuwa he he he....

Nuong maliliit pa kasi sila ay puro kanta ni Don Moen ang pinapatugtog naming kaya siguro na adopt nya yung ganung klaseng kanta...at ok naman, nakakatuwa...

Ewan ko lang etong dalawa ko pang bulilit kung ano ang type na songs pero tingin ko mala One Direction at Taylor Swift ang gusto...alamin ko nga...


Exclusive Forkeeps




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento