Miyerkules, Pebrero 20, 2013

Blonde



I decided to stop over at HBC Boutique last Monday  afternoon after office hour to buy hair color. Nabo boring na ako sa color ng hair ko. Gusto ko something new, colorful , stand out ang style and will make me more even beautiful. O ha, pano kaya yon?

Anyway, dumaan din ako and these is what I found…
courtesy of google
Wala kasi akong kilay and yung comb ang cute eh kaya I bought these also...

When I got home, bonding muna with my kiddos and let them sleep early para masagawa ko na ang masama kong binabalak sa hair ko ha ha ha. Habang pinapatulog ko sila pati ako eh inaantok na. Pero dahil nga nasa mood ako ng pagme make over that night gumising ako ng 11pm. Tulog na lahat pati si inday maliban ke Flavio, our shi tzu dog. 

Niready ko na ang mga things and in apply ko na sa hair ko. Mahirap pala lalo na sa back part ng hair, di ko makita. Ah bahala na, apply lang ng apply then shower cap. Sa sobrang kaantukan ko eh nakatulog ako! 

Anak ng pating, over cooked ang hairlalu ko, waaaah!

Morning banlaw banlaw. 

And here it goes…

Ang blonde blonde! Para akong mais! 

Nahiya naman ako kasi at my age eh nakakaloka pa ang ganyang fashion. Conscious na conscious akech, hay buhay…

Dialogue namin ni Mister:
 
Mister : Mag half day na lang, pumunta ka sa parlor paayos mo yan

Me : Waaaaah! Ayoko na….

Half day ba ako? No, papasok ako at fully loaded ako ng work sa office. Hindi ako papatalo sa hair color ko, promise. Keri ko to, boom!

While on my way to the terminal today, walang tingin tingin sa driver and passengers. Keri ko to, promise…hu  hu hu ...

You know what guys, habang tumatagal eh parang nagugustuhan ko na sya. Or luka luka lang ako dahil sobrang di ako sanay sa ganyang kaartehan. Pero babalik ako sa HBC today para magwala este bumili ulit ng ganyang color he he kasi naman yung lower part and back of my hair eh di ko nalagyan. Plus konting black color para matakpan ko ng konti yung mala mais kong hair.

Eto ang adventure ng hair ko.

Buti na lang di ako nakalbo.

Wag naman sana. 

Boom!

Exclusive Forkeeps

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento