Sabado, Pebrero 9, 2013

Field Demo


School Foundation day!

Yap and as a mom always get excited with my kids field demonstration at plaza wearing their colorful costumes.

The night before the said activity, I checked everything. From their shirts, shorts, socks, shoes and other anik anik. Okay, good, everything is in order na para bukas ng umaga maayos sila as I said to myself. So, the next morning I let their school service fetch them at home muna kasi 9am pa naman daw ang start and para makapag paganda ako ng ayos and relax relax  muna ng bongang bonga ang beauty ko before ko sila puntahan.

Pagka pasok pasok ko ng school gate, bumungad sakin ang pagkadami daming students na iba iba ang suot. I noticed that the color pink students are wearing a WHITE shorts, lahat…as in LAHAT! WHITE!...

Nag adrenalin pumping ang heart  ko, day! at halos mahilo ako sa nadiskubre ko…Puting short! And my one and only son is wearing BROWN! Hinanap ko agad si B at hayun kitang kita ko agad dahil siya lang ang kakaibang kulay ng short. Haaay buhay! Isip, isip…pupunta ba akong palengke at bibili? Langya sayang ang pera…teka, kina Nanay! Tama, so sakay agad ako ng tricycle at pinaharurot ni Manong driver papunta kina Madir.

Eto ang eksena habang sakay ako at tumatawag sa cellphone:

Me: Ah Rose (yaya), Ihanda ang white short ni Benedict! Madali! (hehehe parang senyorita ano?)
Rose: Ati, madumi ata, nasa labahan…
Me: Ah basta kunin mo, pag pag mo daliiiiiii…pwede na yan!
That’s it, sabay baba ko ng cellphone…
Sa wakas nakuha ko yung shorts ng pamangkin ko, sana magkasya naman…

 Mission accomplished.

Pero naghulas ang make up ko dahil sa init ng byahe.  Na losyang ako, dyusme!

You know what, this is not the first time my son ended up different from others. Like nung first communion nya, we bought him a cream color long sleeve and a bow tie. Pagdating sa church boys are wearing a white long sleeve and not a bow tie! Si Mister kasi ang nag decide na cream ang bilin para magamit pa daw sa ibang occasions which is tama naman. Buti mabait si teacher,  ok na daw yun.
See this? Parang labang poso lang…hey, bago yan, SM pa yan…
(singing: alin? alin? alin ang naiba? piliin kung alin ang naiba? isiping mabuti, isipin kung alin, isipin kung alin ang NAIBA...)
While I was making kwento ke Mister about the field demo outfit ni B,  I recalled nga pala ganun din si Mister ko. When he was in high school at graduation nila, uniform ang dapat isuot but ang lolo wears a polo and brown slack…kitam?

o di ba me pag mamanahan pala…



 Exclusive Forkeeps



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento