Linggo, Pebrero 17, 2013

Date Night with…



hubby and with one couple who is already a long time friend of ours. Di nakasama yung isang couple kasi me lakad din. Ok lang naman. We were supposed to be in Laong Laan Bar and Resto that night kaso jam packed ang area, sayang. So we headed to another bar called Kultura. Malapit din naman yun. We arrived there around 9pm and I noticed madaming tao sa front entrance which also serve as parking area. Naku, yare ang date mukhang standing ovation pa ata. Yun pala pauwi na ang mga pipol na nakatambay sa labas. Ginamit pala nila as venue yung Kultura earlier. Haaay, kala ko pa naman uuwe kaming luhaan…

So as we entered the area, aba walang katao tao.  Maaga ba kami? Nope, wala pa nga lang talagang customer. Medyo naiilang ako kasi di ako sanay ng parang sinosolo yung lugar. Alam nyo naman ang type ko pag dating sa gimikan is matao at rak rakan ang peg with matching headbangers hehehe. Me mga nipa hut sa left and right side na pwedeng tambayan kung gusto mong mahiwalay or ayaw makipag halubilo sa ibang crowd.

 Pero kami sa loob kami and infront of stage kami nag table para sagap na sagap namin ang music at tilamsik ng laway ng singer he he he. Ang place? Hmmm, pwede naman na. Mala makabayan ang decors. Wala namang nag po pole dancing. Keri lang ang place, nothing extraordinary. 





Me dumating namang customer. 1st group is kilala naman ng kasama namin. Thunders sila na parehas lalake. 2nd group is kabataan, four sila. Haaay buti na lang.

We ordered bucket meal (San Mig Light with Free Tokwa’t Baboyà pulutan nga at manginginom talaga) plus 1 whole Crispy Pata. Alam nyo bang 2 nights na akong nagke crave ng crispy pata kaya ang tuwa ko ng yun ang orderin namin, lafang na lafang ang hitsura ko sabay sabihan ako ng “Oy pulutan yan” he he oorder pa sana ako ng rice. Sorry guys, no pics ng food at dim ang lighting ng place.

By 10pm nag start ng kumanta. Ok naman, mala Rod Stewart yung voice. Kilala rin ng kasama namin yung singer kaya samin na rin sila naki join sa table. Mostly country songs and love songs ang trip niya, siguro dahil na rin sa age niya kaya di rin maka relate sa mga jologs ngayon.



Some of the songs that I remembered and loved na kinanta ni manong singer are Count on you, through the years, handyman, the one that I love, one friend, mrs. Robinsons and madami pa. O kitam, pang thunders nga ang trip, parang nag back to the future ang atmosphere once we heard it. Feeling ko tuloy ke tanda tanda ko na waaaah! Pero ok rin naman kasi nakaka relax naman.

Yung 2nd group naman eh bumanat ng “Bakit ngayon ka lang” ni Pops. Ayan, ganyan medyo modern na and magaling din kumanta sila lalo na yung lalaki. Pogi sya and Michael daw ang name. Kinanta rin nila yung Alipin, Destiny and I love you goodby. Ayan, nakaka relate na ako, ha ha ha. 
 
We also ordered Tuna belly, Sizzling hotdog, Crispy tenga at ilang order pa ng beer. Naparami rin ako ng inom that night.

The best song that I heard that night is when they sing “Kanlungan” by Noel Kabangon. Oo kapatid , luma na yan pero love na love ko yan. Bakit? Kasi, when my eldest daughter was only 2 years old, nag duet sa videoke ang mag daddy ko in Bulacan. Yung moment na  yun ang di ko makalimut limutan. Priceless. Teary eyes ako. Emote mode. Waaaaaah!

Umabot kami ng past 2am! Ganun kasulit ang date namin. Hilong talilong na nga kami pero masaya. Worth naman plus yung bill swak na swak. Need daw ulitin next month tapos mag bo ballroom dancing din.

Before kami umuwi, nag stop over muna kami sa isang kainan ng lugaw para mahimasmasan kami sa kalasingan. Muntik na talaga akong ma impatso sa dami ng kinain namin.

All in all, Masaya, nakakabusog, nakaka relax and nakapag unwind rin naman atlast.

Next month? Yap, basta sa iba naman ha. 



Exclusive Forkeeps
 


 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento